in

Alden Richards, naging emosyunal sa Mother’s Day video

Naging emosyunal si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa Instagram video na inupload niya nitong nakaraang Mother’s Day. 

Sinimulan niya ito sa pagpapasalamat sa lahat ng ina sa buong mundo para sa walang sawang pagmamahal sa mga anak nila. Aniya, “Happy, happy Mother’s Day po sa lahat ng mga nanay, here and around the world. Thank you so much for the unconditional love that you’ve given us, your children.”

Nagbigay din ng mensahe ang ‘Centerstage’ host para sa yumaong ina, “Wherever you are, I hope you’re proud of us, your kids, and I love you so much. Walang araw na hindi kita na-miss, and I love you. I love you so much, Ma.” 

Sagot ng fans ni Alden, sigurado daw silang proud na proud sa kanya ang ina sa lahat ng achievements niya sa kanyang career.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mike Tan, nagpasalamat sa Ecuadorian fans

Katrina Halili, nilibot ang El Nido, Palawan sakay ng isang yate