in

Julie Anne San Jose, pinabilib ang netizens sa kanyang cover ng ‘Bagsakan’

Napa-wow ang netizens sa cover ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose ng “Bagsakan” na pinasikat nina Chito Miranda, Gloc 9, at ng yumaong Pinoy King of Rap na si Francis Magalona.

Ani Julie, ang “Bagsakan” ang isa sa paborito niyang rap songs kaya naisipan niyang gawan ito ng kanyang version. Muli namang napahanga ng Kapuso singer si Chito. Komento ng Parokya ni Edgar frontman, “Iba ka talaga!!!”

Saludo rin ang YouTube user na si Michael Lopez sa talento ni Julie, “Bukod sa rapping skills niya sa kakaulit kong panonood nito ay napaisip ako kung gaano kahirap niya tong ginawa kase apat na magkakaibang video tapos magkaiba yung mga galaw niya tas mag-isa lang din niyang ginawa wala pang cut. Ge isipin niyo din kung paano niya nagawang ipakitang sabay sabay yung apat na alam naman nating isa isa lang muna niya tong vinideo lahat. Hayyyy grabe lang talaga yung husayyyy nung isang JULIE ANNE SAN JOSE ️”

Dagdag ni Boysie Alina, “Ang lupet mo Julie Anne!!!! Nilagyan mo pa ng bagong arrangement yung singing part na may harmony pa!!! Sabagay, kaya mo talaga ang i-rap ang tatlo kasi nagawa mo na yan dati sa cover mo na “Look at Me Now” ni Chris Brown!!! Ang galing mo talaga!!! You slayed and nailed it!!! Hahaha!! At JUST FOR FUN lang yan??? Minsan ka na nga lang gumawa ng cover…..KINABOG MO PA SILANG LAHAT!!! JAPS FOREVER!!!”

Maaaring mapanood ang full cover ng “Bagsakan” ni Julie sa kanyang YouTube channel!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jennylyn Mercado, ibinahagi ang kanyang homemade pizza recipe

Aiko Melendez, tumatag ang pananampalataya dahil kay Coney Reyes