Isang virtual career fair ang handog muli ng TrabaHanap ngayong Sabado (Disyembre 4) para tulungan ang mga Pilipinong naghahanap ng trabaho bago mag-Pasko.
Tampok sa “Give Love, Give Jobs this Christmas” event, na mapapanood sa TrabaHanap Facebook page ng 4 pm, ang mga panayam ni “TrabaHanap Live” host na si KaladKaren sa mga employer, mga trabahong bakante sa iba-ibang industriya, kabilang ‘yung mga for urgent hiring.
Magkakaroon din ng on-the-spot screening para sa TrabaHunters kung saan maaari silang makakuha ng schedule sa isang online interview mula sa kumpanya sa pamamagitan lang ng pag-click sa link na ibibigay sa kanila.
Nakabalik na rin sa Pilipinas si KaladKaren na sobrang ikinatutuwa na magkaroon ng oportunidad na makatulong sa kapwa Pilipino sa pamamagitan ng show.
“May kakaibang fulfillment na dala kapag nakakita na nananalo ang ating mga kababayan sa kanilang buhay sa gitna ng maraming pagsubok. Nakaka-inspire ang pagpupursige nila at ang pagmamahanl nila sa pamilya. Parang wala kang excuse maging tamad kasi ginagawa ng mga tao ang lahat para makapagbigay sa kanilang mga pamilya ng magandang buhay,” aniya.
Sa kanyang online job-hunting show “TrabaHanap Live,” nakakausap ni KaladKaren ang mga employer na may hatid na trabaho para sa mga Pilipino at mga aplikanteng nagtagumpay na makakuha ng trabaho sa tulong ng TrabaHanap. Nagbibigay rin siya ng tips sa mga TrabaHunter na makakatulong sa kanilang paghahanap at pag-apply sa trabaho.
Ipinalalabas din ang show sa Facebook pages ng TFC Official, TFC Asia, TFC Middle East, CineMo, MORe- Luzon, MORe – Visayas, and MORe – Mindanao. Napapanood din ito bilang “Trabahanap TV” sa CineMo tuwing Linggo ng 9 am.
Bukod dito, nasa digital platforms din na @FYEchannel sa Kumu app, CineMo YouTube channel, at Kapamilya Online Live ang “TrabaHanap Live.”
Abangan ang “Give Love, Give Jobs this Christmas” TrabaHanap Virtual Career Fair kasama si KaladKaren ngayong Sabado (Disyembre 4) ng 4 pm sa official TrabaHanap Facebook page (fb.com/trabahanapofficial). Para sa ibang impormasyon, bisitahin ang website na www.TrabaHanap.com na mayroon ding mga bagong feature.
Para sa ibang ABS-CBN updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.