Pinusuan ng maraming manonood at netizens ang Christmas station ID (CSID) ng GMA Network ngayong taon na pinamagatang “Love Together, Hope Together.” Una itong naipalabas noong nakaraang Biyernes, November 12.
Bukod sa TV, mapapanood ang 2021 GMA Network Christmas station ID sa official Facebook at YouTube accounts ng GMA. In less than 24 hours, agad na umabot sa 1M views sa Facebook ang nasabing Kapuso video at umani ng magagandang komento mula sa netizens.
Sabi ng Facebook user na si Cora Sevillano, “As usual basta gawang GMA Network the best yan! Napapanahon, punong-puno ng mensahe na nagbibigay ng inspirasyon sa lahat lalo na sa mga nawawalan ng pagasa at tinamaan ng matitinding pagsubok sa buhay gaya ng pandemya. Tagos sa puso at nagiiwan ng marka.”
Post naman ng YouTube user na si Nathaniel, nagustuhan niya kung paano itinahi ng GMA ang isang nakakaantig na video. “I really love how GMA incorporated everything in one inspiring video like this. This is very touching and I can’t stop from being emotional. First, the true meaning of Christmas and how God gave His son Jesus Christ to us. Next, through His love they show the importance of loving together and hoping together. And lastly the social relevance of being safe through the pandemic by wearing mask, and getting vaccinated. All in one! Thank you GMA and Congratulations for a job well done in this video! Merry Christmas from Nashville, Tennessee and God bless!”
“Ganda ng message ng song at ng music vid. Naiyak ako sa mga heart notes. Thank you GMA for reminding us to be thankful and appreciative. And to do even a small act of kindness to our neighbors. Hope everyone gets its message and ma practice natin ito. God Bless mga Kapuso,” comment din ni Vangielyn Bautista sa YouTube.
Ilan lang ang mga ito sa magagandang comments patungkol sa Kapuso CSID. Patok na patok talaga ito mula sa nakaka-LSS nitong kanta na may “lala-la-love” at “hoho-ho-hope,” hanggang sa nakakaantig na messages of hope na sinulat ng Kapuso artists at personalities para sa lahat ng mga Pilipino. Ramdam na talaga natin ang Pasko! Congrats, Kapuso!