Todo-todo ang aksyon ngayong Linggo (Nobyembre 14) dahil sa engrandeng pagdiriwang ng ika-anim na taon ng teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano.”
Tampok ang mga kaabang-abang na performance nina Coco Martin, Julia Montes, at ang bigating salubong para kay Megastar Sharon Cuneta sa “ASAP Natin ‘To” sa Kapamilya Channel, A2Z, and TV5.
Abangan si Sharon para sa kanyang performance kasama sina Gary Valenciano, Erik Santos, Jed Madela, at Ogie Alcasid bilang anniversary treat ng programa.
Pakatutukan din ang masayang TikTok sayawan mula sa cast nitong sina Rowell at Raymart Santiago, Michael de Mesa, Shaina Magdayao, Angel Aquino, Ara Mina, Marela Torre, Maika Rivera, Whitney Tyson, Vangie Labalan, Marc Solis, John Medina, Joseph Marco, Michael Flores, Mark McMahon, Paolo Paraiso, John Wayne Sace, Bassilyo, Smugglaz, CJ Ramos, Sancho delas Alas, Danny Ramos, Jay Gonzaga, Nonong Ballinan, at John Prats.
Magpapasiklab naman ang New Gen Birit singers na sina Janine Berdin, Reiven Umali, Sheena Belarmino, Anthony Castillo, Lara Maigue, Sam Mangubat, Elha Nympha, at JM Yosures para sa kanilang mga duet ng mga love theme nito.
Makisalo rin sa pa-birthday blowout ni Coco Martin tampok ang Hagibis performance nila nina Bassilyo at Smugglaz, at ang kilig kantahan nila ni Julia Montes.
Ibibirit din ng Asia’s Songbird Regine Velasquez ang bagong theme song nito na “‘Di Ka Nag-iisa” kasama ang mga direktor nitong sina Malu Sevilla, Albert Langitan, Kevin de Vela, John Prats at ang ilan pang mga artista ng serye na sina John Estrada, Rosanna Roces, Jaime Fabregas, at marami pang iba.
Maliban pa rito, maki-rakrakan din kasama sina Maymay Entrata, AC Bonifacio, Sam Concepcion, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Charlie Dizon, Jameson Blake, Jeremy Glinoga, Joao Constancia, Jin Macapagal, vocal trio iDolls at iba pa, habang makiki-party rin ngayong Linggo si Luis Manzano.
At abangan ang maagang pamasko mula kina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Erik Santos, Angeline Quinto, Darren, Klarisse de Guzman, Jason Dy, Regine Velasquez, at Sharon Cuneta kasama sina Coco Martin, Julia Montes, at iba pang cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” tampok ang bagong Kapamilya Christmas ID na “Andito Tayo Para sa Isa’t Isa.”
Huwag na huwag palampasin ang maaksyong pagdiriwang na ito mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.