in

Jason Abalos, may sweet birthday message para sa nobya

Isang sweet birthday message ang regalo ng Kapuso actor na si Jason Abalos para sa kanyang girlfriend na si Vickie Rushton.

Kahapon ipinagdiwang ni Vickie ang kanyang 28th birthday. Mahigit 10 taon na ang relasyon ng dalawa na patuloy na nananatiling matatag ang pagsasama.

Sa Instagram ni Jason, binahagi niya ang mensahe para kay Vickie.

Aniya, “Mahal kong baba, maraming salamat sa pagdagdag ng kulay sa mundo ko, mundo naming lahat na nakapaligid sa iyo at mga mahal mo. Maraming salamat sa Diyos sa napakaganda mong puso at pati kami natututo kung paano umibig nang kagaya ng pag ibig mo. Na-e-excite ako sa araw-araw at sa magiging buhay pa natin na magkasama.Ang blessed ko. Sa 10 years na dumaan hindi ko pa din maisip pano ka nakatagal na kasama ako. Ganyan ka lang baba. Madaming nagmamahal sa iyo. Mahal na mahal kita. Happy, happy birthday! Celebrate na lang muna ako dito mag isa ha. Para sa iyo naman to. Malapit naman na, layas agad tayo.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pops Fernadez, hiling na makapagbahagi ng positivity sa gitna ng quarantine

Mylene Dizon, tambay sa kusina ngayong quarantine