in

Darna, Captain Barbell, At Lastikman sanib-pwersa sa ‘Hero City Kids Force’ sa iWantTFC

Matututo ng mahahalagang aral ang mga bata habang pinapanood sina Darna, Captain Barbell, at Lastikman sa pinakabagong animated series na “Hero City Kids Force,” na unang ipapalabas sa iWantTFC ngayong Sabado (Nobyembre 6) kasabay ng pagdiriwang ng National Children’s Month.

Ipapakita sa bawat episode ng “Hero City Kids Force” na ang bawat bata ay may kakayahang maging superhero sa maliliit na paraang alam nila, gaya ng pagmamahal, pagrespeto sa iba, at pagtulong sa kapwa.

Pagkakaisa at pagkakaibigan ang matututunan ng kiddie viewers sa pagsasanib-pwersa nina Darna, Captain Barbell, at Lastikman, ang unang team ng superheroes na lalaban sa kasamaan ni Dr. Sternberg, ang supervillain na gumagawa ng mga halimaw na naghahasik ng lagim sa Hero City kasama ang sidekick nitong si Cyborgana.

Makakasama ng superheroes sa kanilang misyon ang mga kapitbahay nilang sina Maya, Andres, at Nono McCoolits, ang mabait nilang tagabantay na si Tita Joyce, at ang robot na si Georgie.

Bukod sa maaaksyong adventures, haharap din ang tatlong superheroes sa nakakatuwang challenges para ituro ang kahalagahan ng kalinisan, pagiging masunurin, pagpapakumbaba, katapatan, pagkain ng gulay, at marami pang iba.

Marami pang ibang shows ang mapagpipilian ng mga bata na kapupulutan ng aral. Matatagpuan sa Just Love Kids section ng iWantTFC ang original animated series na “Jet and the Pet Rangers,” Kapamilya teleseryes na “Starla,” “Hiwaga ng Kambat,” “Nang Ngumiti Ang Langit,” at “Agua Bendita,” at ang season five ng “Team YeY.”

Kasabay ng paglulunsad ng YEY sa Jeepney TV at Kapamilya Channel ngayong Sabado (Nobyembre 6), mapapanood na rin ng iWantTFC users sa Pilipinas ang bagong shows ng YeY tulad ng “Peppa Pig,” “Rob the Robot,” “Kongsuni,” at “Max Steel,” habang available naman worldwide ang unang season ng “Team YeY.”

Mapapanood nang libre ang “Hero City Kids Force” tuwing Sabado, 8 AM sa iWantTFC app at website (iwanttfc.com). Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Erich Gonzales reresbak, sisimutin ang yaman ni Raymond Bagatsing sa ikatlong season ng ‘La Vida Lena’

7 mahuhusay na Social Media phenoms, bumuo ng isang boy group – Beyond Zero