in

Kyline Alcantara, maraming nami-miss dahil sa enhanced community quarantine

Dahil sa umiiral na community quarantine bunsod ng banta ng COVID-19, nag-break muna simula noong Marso ang taping ng GMA Afternoon Prime series na Bilangin ang Bituin sa Langit kaya naman aminado ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara na sobra na niyang nami-miss ang kanyang karakter sa programa na si Maggie.

“Ang hirap kasi gumawa ng character, ‘yung mannerisms. Kumbaga, ‘pag may nakalimutan kang isang mannerism sa character ko, hindi ‘yun magiging si Maggie. Sinasanay ko pa rin ‘yung sarili ko bilang Maggie every now and then kasi mabilis talaga ako makalimot ng character,” kuwento ni Kyline. 

Dagdag pa niya, nami-miss na rin niya ang iba pang cast ng serye, lalong lalo na ang kanyang love interest ni Maggie na si Jun, na ginagampanan ni Yasser Marta.

“Noong time na natigil ‘yung Bilangin, ‘yun pa lang ‘yung time na nagiging close ako sa cast, not just with the cast but with the crew,” saad ni Kyline. “Nami-miss ko talaga ‘yung kulitan namin ng art dept. Nami-miss ko si Maggie, nami-miss ko ‘yung kakulitan ni Maggie, nami-miss ni Maggie si Jun. Nami-miss ni Maggie ang lahat.”

Para sa mga nakaka-miss din sa programa, mapapanood pa rin ang full catch-up episodes ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMANetwork.com o sa GMA Network App.

Sa ngayon, ang Korean drama na Strong Girl Bong Soon muna ang pansamantalang napapanood sa timeslot ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMA Afternoon Prime.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sofia Pablo, Althea Ablan at Elijah Alejo, mapapanood sa Playlist Live

Kate Valdez, miss na ang ‘Onanay’ family