in

Kate Valdez, miss na ang ‘Onanay’ family

May pa-throwback ang Kapuso actress na si Kate Valdez sa Instagram! Mukhang kasama sa mahabang listahan ng mga kapwa artista na namimiss niya ang co-stars sa hit series na ‘Onanay’ na sina Mikee Quintos at Jo Berry.

Sa photo, makikita na nakasuot pa ng school uniform sina Kate at Mikee na gumanap bilang magkapatid na Natalie at Maila sa serye.

Kasama rin nila si Jo na gumanap naman na kanilang nanay na si Onay. Samantala, patuloy na inaaliw muna ni Kate ang sarili sa paggawa ng videos sa TikTok habang pansamantalang suspendido ang taping ng pinagbibidahang primetime series na ‘Anak ni Waray vs Anak ni Biday’ kung saan kasama niya ang Primetime Princess na si Barbie Forteza.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kyline Alcantara, maraming nami-miss dahil sa enhanced community quarantine

Pops Fernandez, may mensahe sa mga kapwa celebrities