in

Ano nga bang pasabog? Kylie Padilla magsasalita na sa ‘KMJS’ ngayong Linggo!

Ngayong Linggo (October 24) sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), magsasalita na si Kylie Padilla tungkol sa mga paratang sa kanya ng dating mister na si Aljur Abrenica.

Sa eksklusibong panayam ni KMJS host Jessica Soho, ibibigay na ni Kylie ang kanyang panig sa mga kontrobersyal na isyung kinasasangkutan niya.

Tatalakayin din ng KMJS kung papaano ba dapat pinanghahawakan ng public figures ang kanilang pribadong buhay kung pinagpipistahan na ito ng publiko at sa social media.

Tampok din ngayong linggo sa KMJS ang halik ng kissing bugs na hindi lang daw magdudulot ng pagpapantal-pantal, pero maging pag-aagaw-buhay!  Bakit nga ba maraming deboto ang La Santa Muerte ng Argao, Cebu—ang kakaibang imahen na gawa sa bungo at kalansay na tila si Kamatayan?!  At aabot na raw sa P1B ang natangay sa libu-libong investors sa Visayas at Mindanao na nabiktima ng Repa investment scam.

Tutok na sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo, 8:40 p.m. sa GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

John Arcilla at Tirso Cruz III, magkakampi na laban kay Coco Martin sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Christi Fider matindi ang hugot sa kantang ‘Heto Na Naman’