in

Mahigit 60 Star Magic artists, maglalaban-laban para bumida sa ‘MMK’

Nasa kamay ng fans kung sino sa mahigit 60 Star Magic artists ang mapapabilang sa bagong “MMK” episodes para sa ika-30 anibersaryo nito.

Mapapakita na ang angking galing sa pag-arte ang iba’t ibang Star Magic artists sa pamamagitan ng kani-kanilang hinandang monologues sa “Cast A Star.”

Ayon kay ABS-CBN TV Production head at Star Magic head na si Laurenti Dyogi, isang magandang hakbang ang pagsasanib-pwersa ng ”MMK” at Star Magic.

“Matuturing na isang haligi na ng ABS-CBN ang “MMK” na nagdidiwang ng ika-30 anibersaryo nito ngayong taon. Sa 2022 naman magdiriwang ang Star Magic ng ika-30 taon nila sa industriya,” sabi ni Laurenti Dyogi sa video na pinost sa YouTube channel ng Star Magic.

Sa loob ng anim na linggo, maglalabas ng iba’t ibang bidyo na tampok ang monologues Star Magic artists. Maaring bumoto ang publiko sa Facebook o KTX. Kada linggo, ang dalawang nakakuha ng pinakamataas na boto ang papasok sa susunod na round.

Sa huling round, isang bagong monologue ang gagawin ng natitirang 12 Star Magic artists. Ang mga artista na makakakuha ng pinakamataas na boto mula sa publiko at creatives team ng show ay pwedeng mapabilang sa episodes ng “MMK.”

Abangan ang announcement ng unang batch ng Star Magic artists sa Sabado (Okt. 23) sa Facebook page o YouTube channel ng Star Magic.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Carlo Aquino, nagselos kina Erich Gonzales at Kit Thompson sa ‘La Vida Lena’

Francine Diaz, ilag kay Andrea Brillantes, duda kay Christopher de Leon sa ‘Huwag Kang Mangamba’