in

Taal Survivors, wagi ng P2M sa season finale ng ‘Everybody, Sing!’

Maganda ang naging katapusan ng unang season ng award-winning community singing game show ng ABS-CBN na “Everybody, Sing!” sa pagkapanalo ng P2 milyon ng 100 Taal survivors noong Linggo (Oktubre 11) sa Kapamilya Channel at A2Z.

May 17 segundo pang natitira sa oras nang makumpleto ng grupo ang sampung tamang song titles para maging ikapitong jackpot winner ng programa, at unang jackpot winner sa “100 Songbayanan Special,” na mga episode na kinuhaan bago pa ang pandemya.

Nakipagdiwang at yakapan ang host na si Vice Ganda sa songbayanan, na noong panahong iyon ay nagsisimula pa lamang bumangon sa kanilang sinapit sa pagsabog ng bulkang Taal. Kabilang sa kanila sina Warren at Kathrina, na kaka-silang pa lang ng anak.

“Nagpapasalamat po kami sa programang ito na binigyan niyo kami ng pagkakataon. Maraming, maraming salamat po lalong-lalo na kay Lord tsaka sa ‘yo Vice,” mangiyak-ngiyak na sinabi ng Batanguena kay Vice.

Nagpasalamat din ang kababayan nilang si Jay R sa kanilang karanasan sa show. “Maraming, maraming salamat Vice. Pinasaya mo na kami binigyan mo pa kami ng pagsisimulan para makabangon kaming mga taga-Batangas.”

“Maraming salamat po at ang programang ito ay naging dahilan kahit sandali lamang na kayo ay makapaglibang, makalimot ng kaunting sandali sa takot na naramdaman ninyo at sa lungkot na naramdaman ninyo sa mga pangyayaring ito,” sagot naman sa kanila ni Vice.

Dagdag pa ng 2021 Asian Academy Creative Awards national winner for Best Entertainment Program Host, “Masayang-masaya ho kaming lahat na tayo ngayon ay umiiyak dahil masaya. Hindi na umiiyak dahil natatakot, hindi umiiyak dahil malungkot, hindi na umiiyak dahil may nasalanta. Umiiyak tayo dahil tayong lahat ay nagdidiwang at nagbubunyi.” Samantala, hinirang naman bilang national winner para sa Best Music/Dance Program ang “Everybody, Sing!”

Si Vice ang nanguna sa paghahatid ng liwanag at ligaya sa 32 iba-ibang sektor na naglaro sa “Everybody, Sing,” na pawang mga grupong lubos na naapektuhan ng pandemya o kaya mga bagong bayani ng bansa.

Bago ang Taal survivors, nanalo na rin ng jackpot ang mga songbayanang community pantry volunteers, massage therapists, teachers, PUV drivers, call center agents, at factory workers. Bilang pagsunod sa COVID-19 protocols, tig-25 players na lang sila at naghati-hati sa premyong P500,000 sa jackpot round.

Pwede pang balikan ang full episodes ng season finale ng “Everybody, Sing!,” na isang orihinal na format mula sa ABS-CBN, sa ABS-CBN Entertainment YouTube Channel at iWantTFC. Para sa highlights, i-follow ang @EVERYBODYSINGPH sa Facebook, Twitter, at Instagram.

Para sa updates sa ABS-CBN, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Angeline Quinto, may pa-’10Q’ sa fans sa bagong MET Theater

Pinoy slang na ‘Sakalam,’ may ibang kahulugan para kay Gigi de Lana