in

ABS-CBN ginugunita ang ika-105 birth anniversary ni Mars Ravelo ngayong Oktubre

Gugunitain ngayong Sabado (Oktubre 9) ang ika-105 birth anniversary ng komiks legend na si Mars Ravelo, kaya’t pagkakataon nang balikan ang ilan sa mga natatangi niyang nilikha—mga karakter na naging icons—na sadyang malaking bahagi ng kultura ng mga Pinoy.

Isa sa pinakatumatak na karakter na ginawa niya ang paboritong superhero ng marami na si Darna. Mula komiks, sumikat si Darna hanggang sa pelikula at telebisyon, at ngayon ay inaabangan na rin ang bagong TV adaptation ng kwento niya sa ilalim ng ABS-CBN Entertainment para sa taong 2022. Pagbibidahan ito nina Jane De Leon, Iza Calzado, Joshua Garcia, and Zaijian Jaranilla.

Pinasilip din ang karakter ni Darna sa naging mobile game collaboration ng Ravelo Komiks Universe ng ABS-CBN sa Rules of Survival (ROS) para sa mga players hindi lang sa Pilipinas kundi pati rin sa Cambodia noong Mayo. Kasama rito ni Darna ang ilan pa sa tanyag na superhero creations ni Ravelo na sina Captain Barbell at Lastikman.

Bumida rin sa telebisyon si Lastikman at nagpabilib sa mga manonood sa 2007 action-dramedy fantaserye ng ABS-CBN na “Lastikman” na pinangunahan naman ni Vhong Navarro.

Isa pang minahal na karakter mula sa King of Philippine Komiks ang sirena na si Dyesebel, na sumikat din sa mga pelikula at TV shows. Ginampanan ni Anne Curtis ang fantaserye ng ABS-CBN na “Dyesebel” noong 2014.

Bukod kina Darna, Captain Barbell, Lastikman, at Dyesebel, ang legendary novelist din ang nasa likod ng mga karakter nina Kapitan Boom, Varga, Tiny Tony, Dragonna, Flash Bomba, at Maruja, na itinampok din sa telebisyon sa pamamagitan ng “Komiks” series ng ABS-CBN noong 2008 hanggang 2009.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Top Ten Trainees ng ‘The Gaming House’ magpapasiklab na

Sino ang natitirang buhay sa salpukang Richard Gutierrez-Geoff Eigenmann sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’?