in

Mga programa ng GMA Network, national winners sa 2021 Asian Academy Creative Awards

Tinanghal na National Winners ang ilang programa ng GMA Network sa 2021 Asian Academy Creative Awards. Ibig sabihin nito ay magiging kinatawan sila ng Pilipinas sa darating na Gala Night ngayong Disyembre at makikipagtagisan sa mga entry ng ibang bansa sa Asya.

Dalawang award ang napanalunan ng 24 Oras. Isa rito ang national winner sa “Best News Programme” category para sa Special Coverage nito ng Typhoon Ulysses sa Luzon. Ang report nito na Typhoon Ulysses Marikina Rescue naman ang nagwagi bilang “Best Single News Story/Report” sa Pilipinas.

“Best Current Affairs Programme or Series” naman ang ire-represent ng Reporter’s Notebook para sa ‘Lilibeth, Sonia, Frank and Nabel’ dokyu nito.

Sa ika-apat na sunod na taon, tinanghal na “Best Infotainment Programme” ang Kapuso Mo, Jessica Soho. Winning episode ngayon taon ang kuwento ng ‘Baby Switching’ na talaga namang tinutukan ng mga manunuod at naging laman pa ng mga balita.

Tinalo naman ng All-Out Sundays ang ibang entry mula sa Pilipinas nang iuwi nito ang “Best General Entertainment Game or Quiz Programme” award.

Double win din ang natanggap ng The Lost Recipe dahil ito ang pambato ng Pilipinas sa “Best Editing” at “Best Visual or Special FX in TV or Feature Films” categories.

Congratulations sa lahat ng Kapuso winners! Good luck sa inyong pagsabak against other Asian entries. Ngayon pa lang ay you make us proud!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Andrea Brillantes, kapit sa patalim sa ‘Huwag Kang Mangamba’

The Company, may awitin para sa mga Plantito at Plantita