in

‘Everybody, Sing!’ special, ipinaalala sa manonood ang buhay bago ang pandemya

Trending ulit sa social media sa bansa ang “Everybody, Sing!” ng ABS-CBN nitong nakaraang weekend matapos magbigay ng kani-kanilang reaksyon ang mga netizen sa orihinal na format ng community singing game show ni Vice Ganda

.

Sa unang dalawang episodes ng “100 Songbayanan Special” ng programa noong Sabado (Setyembre 25) at Linggo (Setymenbre 26), 100 haircutters ang sumabak sa iba-ibang laro para sa P2 milyong premyo sa jackpot. Tatlo lamang sa sampung awiting pinahulaan ang nakuha ng songbayanan sa kanilang laro na ti-nape bago pa ang pandemya, kung saan nag-uwi pa rin nila ng P300,000 na kanilang paghahatian.

Maliban sa malaking bilang ng manlalaro at mas malaking cash prize, napansin din ng fans ng show kung paanong mas nakakalapit at nakakapag-kulitan sina Vice at mga songbayanan dahil wala pa noong pandemya at mga pinaiiral na mga restriction.

Sabi ng netizen na si @krsjynn sa Twitter, “Watching @everybodysingph tonight & I must say na talagang nakakamiss ung life pre-pandemic. Panahong hindi pa uso ung face mask, face shield, barriers, social distancing then ung mga shows is may audience pa tapos may interaction pa bet. Hosts & guests.”

Sa YouTube naman nag-komento tungkol sa bonggang produksyon ng programa si Nahum Pulmones, na nanood ng episode noong Setyembre 25 sa Kapamilya Online Live.

“I think this is one of the best episodes in the history of the show, with lots of contestants, back-up dancers, everything. And it’s better if the pandemic could have not happened. Kudos to the producers,” aniya.

Binahagi naman ng isa pang manonood sa YouTube na si Ara Bela ang kanyang ninanais para sa programa.

“Ang saya mas malaki ang papremyo kung di lng nagka covid at di nawala prangkisa ng ABS-CBN sana maging maayos na ang lahat para mas masaya ang lahat,” sabi niya.

Sa darating na weekend, 100 na mga tindera sa palengke ang makaka-KANTAmbayan at ka-kwentuhan ni Vice Ganda patungo sa P2 million jackpot round. Panoorin ang dalawang episodes tampok sila na kinuhanan bago mag-pandemya sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC ng 7 pm sa Sabado (Oktubre 2) at 7:30 pm sa Linggo (Oktubre 3).

Papalapit na rin ang season finale ng “Everybody, Sing,” na dapat ay noong Marso 2020 pa ipinalabas. Una itong umere noong Hunyo 5 nitong 2021 kung saan 25 imbes na 100 ang bilang ng songbayanan, lima na lang imbes na sampu ang mga laro, at P500,000 naman ang jackpot prize.

Maryoon nang anim na songbayanan na nanalo ng jackpot prize sa “greatest community singing game show” sa bansa: ang community pantry volunteers, massage therapists, teachers, PUV drivers, call center agents, at factory workers.

Alamin kung ang songbayanan ng palengke vendors ang unang mag-uuwi ng P2 milyong jackpot prize sa pagpapatuloy ng “100 Songbayanan Special” ng “Everybody, Sing!” ngayong weekend! Para sa updates, i-follow ang @EVERYBODYSINGPH sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para sa ibang balita sa ABS-CBN, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bagong pambato ng bansa sa Miss Universe, makikilala na sa Setyembre 30 sa KTX.PH

Arjo Atayde, bibida sa bagong international project ng ABS-CBN