in

Piolo Pascual, Bernard Palanca, at Carlos Agassi ng ‘The Hunks,’ may reunion sa ‘Good Vibes with Edu’

Papainitin ng tatlo sa pantasya ng bayan noong early 2000s na sina Piolo Pascual, Bernard Palanca, at Carlos Agassi ng “The Hunks” ang “Good Vibes with Edu” season 2 sa pagbisita nila sa Metro Channel show ngayong Linggo (Setyembre 26).

Pangungunahan ng host na si Edu Manzano ang masayang virtual reunion ng all-male group na maraming pinakilig noong early 2000s.

Samahan sa pagbabalik-tanaw ang ‘Boy Next Door/Crush ng Bayan’ noon at ngayon ay ‘Ultimate Heartthrob’ at forever Kapamilya na si Piolo, na bibida kasama si Lovi Poe sa Pinoy adaptation ng hit K-drama na “Flower of Evil.”

Magbabahagi rin ng kanilang favorite memories ang ‘Rock Star’ ng grupo na si Bernard at rapper at pinakabatang miyembro na si Carlos tungkol sa grupo na minahal ng mga kababaihan at kinainggitan ng mga lalaki.

Bukod sa tatlo, kasama rin sina Diether Ocampo at Jericho Rosales sa “The Hunks,” na huling nag-perform nang magkakasama noong 2015 sa 20th anniversary celebration ng Kapamilya noontime variety show na “ASAP.”

Kasagsagan ng pandemya noong isang taon nang unang napanood ang “Good Vibes with Edu,” kung saan nakikipag-kumustahan at nakikipagkulitan si Edu sa kanyang mga bisita para maghatid ng good vibes at inspirasyon sa mga manonood.

Sa huling episode nito, napanood ang OPM hitmakers na sina Hajji Alejandro, Nonoy Zuñiga, at Marco Sison na nagbalik-tanaw sa kanilang musika at ipinarinig din ang ilan sa kanilang mga tanyag na awitin.

Abangan sina Piolo, Bernard, at Carlos ngayon Linggo (Setyembre 26) sa “Good Vibes with Edu,” 8 PM sa Metro Channel sa SKYcable channel 52 (SD) at channel 174 (HD), Cignal channel 69, at GSAT channel 70. Mapapanood din ang mga episode online sa iWantTFC at Metro.Style YouTube channel.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mikee Quintos, pinasaya ang fans sa listening party ng bagong single!

Vice Ganda, 100 ang Songbayanan sa tatlong weekend ng ‘Everybody, Sing!’