in

Rhian Ramos, nahihilig sa pagluluto habang naka-quarantine sa bahay

Mas napapadalas ang pagluluto ng Love of my Life actress na si Rhian Ramos ngayong naka-quarantine siya sa bahay at walang taping ng kanyang teleserye.

Sa kanyang YouTube channel, una na niyang binahagi sa fans ang kanyang fudgy brownie recipe. Nasundan naman ito ng isa pang cooking video kung saan siya gumawa ng ramen eggs or “Ajitsuke Tamago.”

Step by step tinuro ni Rhian ang paggawa nito at sinabing masarap itong isama sa sandwich, salad at instant noodles. Para mapanood ang kabuuan ng kanyang ramen egg recipe, panoorin lamang ang Vlog ni Rhian sa kanyang YouTube channel. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Cassy Legaspi, may ibinuking tungkol sa kambal

Kate Valdez, napa-“sana all!” sa relasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto