in

Sunshine Dizon, ibinahagi ang bagong achievement ng anak habang naka-quarantine

Happy at proud mom ang Kapuso actress na si Sunshine Dizon sa bagong achievement ng anak na si Doreen habang namamalagi sa kanilang bahay bunsod ng pinatupad na lockdown sa Luzon.

Ayon sa Magkaagaw actress, natutong mag-bake ang anak at nagawa na ito ng brownies at iba pang pastries. Bukod dito, tinuturuan din niya ang mga anak paano magluto na maaari nilang magamit sa kanilang pagtanda.

Dagdag pa ni Sunshine, hilig din nilang mag-iina na magbasa at manood ng educational at entertaining shows na parte na kanilang bonding activities sa bahay habang naka-quarantine.

Samantala, sa mga naka-miss sa mga eksena ni Sunshine sa Magkaagaw, maaari itong muling panoorin sa official website ng GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Winwyn Marquez, masayang pinagdiwang ang birthday kahit naka-quarantine

Betong Sumaya, natupad ang pangarap na maging recording artist