in

Betong Sumaya, natupad ang pangarap na maging recording artist

Sa unang virtual interview ni Betong Sumaya, sinabi niya na dream come true para sa kaniya ang maging recording artist.

Nang minsang matanong daw kung ano pa ang gusto niyang gawin sa career niya, sinabi niyang gusto niya magka-concert at magkaroon ng single.

Aniya, “Pangarap ko talaga ‘to. Actually, nung minsang naguusap-usap kami ng mga boss ko sa Artist Center, sinabi ko talaga na parang gusto ko mag-concert at parang gusto ko magka-single.”

Grateful daw ang ‘Centerstage’ host dahil hindi niya akalaing matutupad agad ang pangarap niya “Hindi ko akalain na bibigyan talaga nila ako ng chance. Isa po talaga sa passion ko ang pagkanta, kaya sobrang thankful ko po sa Artist Center at sa GMA Music.”

Napapakinggan ang single ni Betong na ‘Nang Mahalin Mo Ang Mahal Ko’ sa Spotify.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sunshine Dizon, ibinahagi ang bagong achievement ng anak habang naka-quarantine

Althea Ablan, miss nang awayin si Elijah Alejo?