in

Curriculum-based shows ng Knowledge Channel, palabas na sa pagbabalik-eskwela

Higit sa 24 milyong mag-aaral, kanilang mga magulang, at guro ang makikinabang sa mga educational videos ng Knowledge Channel para sa first quarter ng school year, na ipalalabas sa A2Z at Knowledge Channel sa SKYcable, Cignal, GSat, SatLite, PCTA cable affiliates, at sa Beam DTT sa nalalapit na panahon.

Sakop nito ang mga subject para sa Kinder hanggang Grade 10, pati na rin ang Alternative Learning System (ALS).

Mula Lunes hanggang Biyernes, mapapanood ang video lessons para sa Grade 1 simula 6 AM sa Knowledge Channel at 7 AM sa A2Z. Filipino lessons ang hatid ng “Wikaharian” habang English naman ang ituturo sa “Ready, Set, Read”—mga programang binuo ng Knowledge Channel sa ilalim ng “Basa Bilang” project. Maaaring makita ang iba pang schedule ng mga palabas sa official Facebook page nito (facebook.com/KnowledgeChannel).

May video lessons rin na inihanda tungkol sa agrikultura at sa pangangalaga ng ating kalikasan sa darating na second quarter. Kabilang dito ang animated series na “AgriKids,” na may hatid na pangunahing kaalaman sa pagsasaka sa tulong ng Agricultural Training Institute, at ang “Puno ng Buhay,” nina Maymay Entrata at Khalil Ramos. Tampok naman dito ang kaalaman sa tamang pag-aalaga ng ating likas na yaman sa tulong ng Forest Foundation Philippines.

Maaari ring sumali ang mga estudyante, magulang, at mga guro sa interactive livestream lessons ng School at Home tuwing 11 AM sa kumu at Facebook Page ng Knowledge Channel. Kasama sa weekly lineup ang “Wikaharian Online World” tuwing Lunes, “Team Lyqa” kada Martes, “Knowledge on the Go” ni Kuya Kim Atienza at “MathDali Math Talks” ni Robi Domingo tuwing Miyerkules, “Money Lessons with FQ Mom and Sons” kada Huwebes at “Art Smart with Teacher Precious” tuwing Biyernes.

Para sa mga gurong gustong makakuha ng mga video lesson guides ngayong first quarter, maari itong i-download sa knowledgechannel.org.

Para sa karagdagang educational materials at mga updates patungkol sa Knowledge Channel, bisitahin lamang ang opisyal na website nito o magtungo lamang sa Facebook page at YouTube channel (youtube.com/knowledgechannelorg) nito.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Joey Marquez, bibida bilang viral Taho Vlogger sa ‘MMK’

Hajji Alejandro, Marco Sison, at Nonoy Zuñiga, magbabalik-tanaw sa kanilang musika at pagkakaibigan sa ‘Good Vibes with Edu’