Unang matutunghayan ang koronasyon ng susunod na Miss Universe Philippines sa pag-stream ng preliminary competition at grand coronation night ng pinaka-prestirhiyosong beauty pageant sa bansa sa KTX.PH mula Setyembre 21 hanggang Setyembre 25.
Mapapanood ang 30 kandidata sa tagisan ng talino sa preliminary question and answer competition sa Setyembre 21 (Martes) at sa paghaharap nila sa preliminary swimwear at gown competition sa Setyembre 23 (Huwebes). Sa Setyembre 25 (Sabado) naman matutunghayan ang pagkorona ng bagong pambato ng bansa sa Miss Universe pageant na gaganapin sa Israel sa darating na Disyembre.
Naglalayon rin ang pageant na makatulong sa mga batang nangangailangan dahil bahagi ng ticket sales ay mapupunta sa Save the Children Philippines, ang lokal na yunit ng Save the Children, ang nangungunang independent children’s organization sa mundo na may mga proyekto na pang-humanitarian response, pang-kalusugan, pang-edukasyon, at para sa children’s rights.
Nagsimula ang MUP maghanap ng susunod sa yapak ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo noong Hulyo sa pamamagitan ng iba’t ibang matinding onine contest kasama ang headshot, runway, casting, at interview challenge.
Inanunsyo kamakailan ng Miss Universe Philippines ang 30 finalists, mula sa 100. Mas titindi pa ang laban dahil back to zero ang scores ng mga kandidata.
Sa halagang P599, mapapanood ng fans ang tatlong show. Mag-log in lang sa https://www.ktx.ph/events/33037/miss-universe-philippines-2021 para bumili ng tickets.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Tiktok, at Instagram o magpunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.