in

‘Great Men Academy,’ ‘Horimiya,’ at ‘Sing Yesterday for Me’ palabas na sa POPTV

Mapapanood na ang dalawang bagong anime at isang boys love (BL) series, uncut at naka-dub pa sa Filipino sa first all-Pinoy streaming app na POPTV.

Tiyak matutuwa ang anime fans dahil streaming na ang 2021 romantic comedy na “Horimiya,” at 2020 coming-of-age anime drama series na “Sing Yesterday For Me.”

Tampok sa “Horimiya” ang kwento nina Hori at Miyamura na parehong magkaiba ang pinapakitang mga sarili sa harap ng kanilang mga kaklase. Hindi inaasahang magkikita sila sa labas ng eskwela bilang tunay nilang mga sarili at magkakasundo sila na panatilihing lihim ito. Mag-iiba ang ihip ng hangin sa pagitan ng dalawa lalo pa nang lubos na nila nakikilala ang isa’t isa.

Samantala, tatalakayin naman sa “Sing Yesterday For Me” ang kwento ng pag-ibig at pagmove on sa nakaraaan. Bagamat na-frienzone na noon, muling susubukan ni Rikuo na ilevel up ang relasyon sa kaibigang si Shinako. Bagamat, single na ang dalaga ay tila may balakid pa rin dahil hindi pa ito nakakamove on sa namatay na boyfriend.

Para naman sa BL fans, isa na naming kakikiligan ang Filipino-dubbed “Great Men Academy.”

Pinagbibidahan ng Thai hearrthrobs na sina JJ Krissanapoom, Ice Paris, Captain Chonlathorn, Porsche Sivakorn, Third Lapat, Jackie Jackrin, at James Teeradon (star ng hit Thai movie na “Bad Genius”), tunghayan sa serye ang kwento ni Love, isang dalaga na super crush ang Great Men Academy student na si Vier (Ice).

Isang araw, tutulungan ni Love ang isang magical unicorn at bilang gantimpala, binigyan siya nito ng kapangyarihan na maganyong lalaki sa tuwing hatinggabi. Dahil dito, papasukin ni Love ang all boys academy para mas lalong makilala at mapalapit kay Vier.

May pag-asa naman kaya siya? Paano kapag ang kaklase niya ay nainlove sa kanya bilang lalaki?

Patuloy na umaani ng papuri ang POPTV mula sa fans dahil sa husay nito sa pag-dub ng kanilang paboritong mga Asian movies at series. Kaya naman binansagan itong DUBest kumpara sa ibang streaming platforms.

Bukod sa mga nabanggit, inanunsyo rin ng POPTV sa kanilang Facebook page na ipapalabas nila ngayong Setyembre ang Filipino-dubbed BL na “I Promised You With Me,” at anime na “Jujutsu Kaisen.”

Para i-download ang app, hanapin lang ang POPTV PINAS sa Google Play, Huawei App Gallery, at Apple App Store. Mapapanood mo lahat ng palabas sa POPTV sa halagang P20 (2 days), P49 (10 days), at P99 (30 days). Mayroon ditong local movies (blockbusters, indie at classics) at tagalized Pinoy foreign favorites (KDramas, animes, BL series, asian movies, at marami pa).

Maaring mabili ang POPTV subscriptions at ikaltas sa iyong Smart load o di kaya via Google Pay. Maari din itong bayaran gamit ang credit/debit card o via GCash app. May mabibili ka rin nito sa Shopee, Lazada, sa lahat ng branches ng M Lhuillier at RD Pawnshops nationwide, at sa mga sari sari store sa Luzon.

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa facebook.com/poptvph o bumisita sa official website na www.poptv.ph.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Emil Sumangil, may bagong show sa GTV!

Martin Nievera, kinanta ang ‘Stronger Together’ theme song ng ‘G Diaries’ Season 9