in

Kiray Celis at Divine Aucina, na-fall na kay Chef Jose Sarasola?!

Ngayong Sabado (September 11), tila tuluyan nang mahuhumaling sina Fiona (Kiray Celis) at Margaret (Divine Aucina) kay Aki (Chef Jose Sarasola) sa second part ng Maid 4 U episode ng Tadhana!

Habang nagpapanggap ang mag-pinsang si Fiona at Margaret, tila nahulog na rin ang kanilang loob para kay Aki, kaya lahat ay ginagawa nila para mapansin ng binata, kasama na ang pagpunta sa ballroom party.

Sobrang nag-enjoy nga raw sina Kiray at Divine sa taping ng Tadhana episode na ito at somehow ay nakaka-relate sila sa kanilang characters.

“Yung mga pinsan natin sila ang una nating best friend,” ani Divine sa kanilang Facebook live sa Tadhana Facebook page noong nakaraang Sabado.

“Korek. Lalayo ka pa ba? Trustworthy talaga ang kamag-anak at sila ang kasama mo mula pagkabata. Meron akong mga cousin na sobrang close ko at talagang kalaro ko noon,” pag-sang ayon naman ni Kiray.

Marami pa nga ang dapat abangan sa second part ng kanilang episode. Bigla kasi silang makikita ng business partner ng kanilang amo habang nakiki-party kay Aki. Ano kaya ang kahahantungan nito?

Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Part 2 ng Tadhana: Maid 4 U, ngayong Sabado, September 11, 3:15 p.m., sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ian Veneracion, bagong kaibigan o kaaway sa bagong yugto ng ‘Huwag Kang Mangamba’?

Bea Alonzo, makikisaya sa ‘The Boobay and Tekla Show’