in

John Prats, magpapaalam na ba sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’?

Malalagay sa panganib ang Task Force Agila habang patuloy silang nagtatago mula sa mga kalaban dahil makakabanggaan ni Jerome (John Prats) ang isang grupo ng mga armadong lalaki sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, and TV5.

Sa pinakahuling teaser ng serye, makikitang naghihingalo at duguan si Jerome habang tinatawag ang pangalan ni Cardo (Coco Martin) pagkatapos siyang mabugbog. Malalagasan na ba ng isang miyembro ang Task Force Agila?

Samantala, patindi na rin nang patindi ang maaaksyong bakbakan sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” dahil sisingilin na ng mga bagong karakter nina Julia Montes at John Estrada ang mga kalabang nagmalupit sa buong angkan nila.

Galing sa isang pamilyang magsasaka ang mag-amang sina Mara at Armando (Julia at John). Sunod-sunod ang mga kalbaryong hinarap nila sa kamay ng mayaman at makapangyarihan na negosyante na si Don Guillermo (Tommy Abuel) dahil pinapatay nito ang kanilang mga kamag-anak at pinalayas din sila sa sarili nilang teritoryo.

Pagkatapos ng maraming taon ng pang-aapi, nagdesisyon si Mara at ang kanyang pamilya na talikuran na ang kinagisnan nilang buhay para isa-isang maningil ng hustisya at patayin ang kanilang mga kalaban.

Ngayon na nakahanap sila ng pagkakataon para gantihan si Don Guillermo, nakalatag na ang kanilang mga plano upang siguraduhing mapapatay nila ito. Bukod sa paghihiganti, nais din ng kanilang angkan na makilala bilang isang pinakamakapangyarihang grupo.

Magtagumpay kaya ang planong pagpatay ni Mara kay Don Guillermo?

Huwag palampasin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Celebrity Plantitas tampok sa pagsisimula ng ‘Good Vibes with Edu’ season 2

ABS-CBN at Knowledge Channel nakiisa sa pagdiriwang ng National Teachers’ Month