in

Celebrity Plantitas tampok sa pagsisimula ng ‘Good Vibes with Edu’ season 2

Hitik sa tawanan, good news, at inspirasyon ang Metro Channel talk show na “Good Vibes with Edu” kasama ang host na si Edu Manzano sa pagbabalik nito para sa ikalawang season simula sa Setyembre 12 (Linggo).

Bubungad dito ang usapang gardening kasama ang celebrity ‘plantita’ guests na magbabahagi ng benefits ng pagtatanim at pag-aalaga ng halaman ngayong pandemya at makabuluhang diskusyon kung paano nila inaalagaan ang kanilang indoor at outdoor plants.

Abangan ang actress-model na si Aubrey Miles aka ‘Plant Mom,’ award-winning TV host Daphne Oseña-Paez aka ‘TREE-ta,’ Kapamilya news anchor Gretchen Fullido aka ‘Plantita Greta,’ pati na rin ang singer-TV host at isa pang certified ‘plantita’ na si Karel Marquez na magkukwento tungkol sa kanilang planting journey at magbibigay din ng tips sa gardening.

Tampok sa kwelang talk show ang pakikipag-kumustahan at pakikipagkulitan ni Edu sa kanyang mga bisita para maghatid ng good vibes sa mga manonood.

Noong 2020 umere ang unang season nito, kung saan napanood ang virtual reunions ni Edu sa kanyang mga anak na sina Luis, Addie, at Enzo, pati na sa kanyang “Palibhasa Lalake” co-stars na sina Richard Gomez, Anjo Yllana, at Amy Perez. Nakasama rin ni Edu sa isang episode ang Gonzaga sisters na sina Toni at Alex.

‘Wag palampasin ang bagong season ng “Good Vibes with Edu” ngayong Setyembre 12 (Linggo), 8 PM sa Metro Channel sa SKYcable channel 52 (SD) at channel 174 (HD), Cignal channel 69, at GSAT channel 70. Mapapanood din ang mga episode online sa iWantTFC at Metro.Style YouTube channel.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Vice Ganda, tinawag na bayani ang songbayanan ng stage performers sa ‘Everybody, Sing!’

John Prats, magpapaalam na ba sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’?