in

‘Catch Me Out Philippines,’ matindi ang huling pasiklaban!

Hindi dapat palagpasin ang huling pasiklaban ng mga baguhan sa weekend reality game show ng GMA Network na Catch Me Out Philippines ngayong Sabado, September 4.

Tiyak na riot sa katatawanan ang hatid ng guest Celebrity Spotters na sina Aiai Delas Alas at Allan K kasama ang hosts na sina Jose Manalo at Derrick Monasterio.

Masusubukan ang husay sa hulihan at hulaan ng Celebrity Catchers na sina Gil Cuerva, Kate Valdez, Prince Clemente, Ervic Vijandre, at Maey Bautista.

At sigurado namang magugulat ang mga Spotters, Catchers, at pati na rin viewers sa kamangha-manghang performances na inihanda ng amateurs.  

Sino nga kaya sa mga baguhan ang magtatagumpay na maiuwi ang grand prize?

‘Wag nang magpahuli sa huling pasiklaban ng mga baguhan sa ‘Catch Me Out Philippines’ ngayong Sabado, 8:30PM, sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Ultimate Bida Star: Boy Next Door’ ng ABS-CBN, makikilala sa Setyembre 8

Jeff Canoy, kinilala bilang Top News Personality sa 8th Paragala Awards