in

Carla Abellana, biniro ang boyfriend na si Tom Rodriguez

Bunsod nang ipinatupad na enhanced community quarantine laban sa COVID-19, maraming oras ngayon sa kani-kanilang tahanan ang karamihan.

At dahil walang ibang mapagkaabalahan, pinagdiskitahan ni Kapuso star Carla Abellana ang boyfriend nitong si Tom Rodriguez.

Tuwang-tuwa naman ang netizens at kapwa celebrities ni Carla sa kanyang successful ‘smoking toilet’ prank sa walang kamuwang-muwang na si Tom.

Sa Instagram post ng aktres, dinesenyuhan nito ang kanilang toilet bowl na parang naninigarilyong tao kaya ito tinawag na ‘smoking toilet’.

Kumaripas naman ng takbo si Tom nang nagpapanic na tawagin ito ni Carla na sinasabing umuusok ang inidoro nila. Sa huli ay tawang-tawa ito nang mawari ang joke ng kasintahan.

“Galing pa ako sa baba, panic na tumakbo pataas,” ani ni Tom.

Benta naman ang prank ni Carla sa kanilang Love of my Life co-stars na sina Rhian Ramos at Coney Reyes.

Samantala, habang tigil muna sa taping ang Love of my Life, patuloy na napapanood ang rerun ng My Husband’s Lover sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kris Bernal, may special wish sa kanyang nalalapit na birthday

Bianca Umali, ikinuwento ang paboritong linya sa kanyang single na ‘Kahit Kailan’