Kwento ng tunay na buhay ng mga Pinoy at musikang babagay sa kahit anong mood ang hatid ng “Dear MOR,” “Gapnud sa Kinabuhi,” “Bedtime Stories,” at “MOR Playlist” sa bagong Kapamilya YOUniverse sa pamamagitan ng MOR Entertainment YouTube channel simula sa Linggo (August 22).
Samahan ang pinag-uusapang tambalan nina Popoy at Betina sa “Dear MOR,” ang patok na programa sa iba’t ibang social media platforms ng MOR Entertainment at isa rin sa top local podcasts sa Spotify. Hatid nito ang mga istorya ng buhay at pag-ibig galing sa letter senders na talaga namang nagbibigay inspirasyon sa mga manonood.
Nagbabalik naman para magpasaya ang paboritong Bisaya program na “Gapnud sa Kinabuhi” kasama sina Kokoy mula sa Davao at si Mary Jay mula sa Cagayan de Oro.
Usapang relasyon para sa imahinasyon naman ang hatid ng “Bedtime Stories” habang tuloy-tuloy na musika ang mapapakinggan sa “MOR Playlist” gamit ang iba’t ibang playlist na sagot sa anumang mood meron ang makikinig.
Bukod sa “Made for YouTube” offerings ng MOR Entertainment, mapapanood na rin ang bagong music originals ng ABS-CBN Star Music YouTube channel.
Intimate performances ang bibida sa The Music Room, ang bagong platform para sa mga natatanging OPM singers pati na rin sa up-and-coming artists para ipakilala ang kanilang musika.
Noong Linggo (August 15), nagsimula na rin ang Gold School: The Best of OPM na nagpapalabas ng live jam sessions ng mga paboritong OPM singer sa bansa.
Kabilang ang “Made for YouTube” exclusives na ito sa mga bagong experience na dala ng “Kapamilya YOUniverse,” na naghahatid ng mga programa, musika, pelikula, at balita sa pinagsama-samang YouTube channels ng ABS-CBN na Star Cinema, Star Music, MOR Entertainment, ABS-CBN News, at ABS-CBN Entertainment.
Panoorin ang mga nakakaaliw na kwento sa MOR Entertainment YouTube channel, pakinggan ang musikang hatid ng “MOR Playlist,” at abangan ang exclusive performances sa “Good School” at “The Music Room” sa ABS-CBN Star Music YouTube channel.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.