in

Bianca Umali, ikinuwento ang paboritong linya sa kanyang single na ‘Kahit Kailan’

Sa latest Facebook video ni Kapuso PR Girl, ikinuwento ni Bianca Umali kung ano ang paboritong linya niya mula sa single niyang ‘Kahit Kailan’.

Sagot ni Bianca, ang chorus daw ang pinakagusto niyang parte ng kanta. Aniya, “My favorite line from my song would be the chorus. Because personally, I like being that person who is always  there for the people that I love. Gusto ko para sa mga kaibigan ko, para sa lahat ng tao na malapit sa akin at importante sa akin, at para sa pamilya ko, kapag kailangan nila ng kasama o kapag malungkot sila, ako’ yung taong nandun para sa kanila.”

Pakinggan ang latest single ni Bianca na ‘Kahit Kailan’, mula sa GMA Music, sa Spotify, Apple Music, at ibang pang digital platforms worldwide.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Carla Abellana, biniro ang boyfriend na si Tom Rodriguez

Jillian Ward, “most thankful” sa suporta ng pamilya at fans