in

ABS-CBN Foundation, inaalala ang buhay ni Gina Lopez sa kanyang ikalawang Death Anniversary

Inaalala ng ABS-CBN Foundation ang mga nagawa at naging buhay ng founder at lider nitong si Gina Lopez, at kung papaanong nagpapatuloy ang kanyang “Genuine Love,” ngayong papalapit na ang ikalawang anibersaryo ng kanyang pagpanaw.

May espesyal na retrospective episodes sa “Kapamilya Konek” sa Teleradyo sa Agosto 17 at sa advocacy show na sinimulan ni Gina, “G Diaries,” na mapapanood sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live sa Agosto 22 at 29.

Ang mga pagbabaliktanaw ay may temang “Remembering Gina: Pag-alaala at Pagpapatuloy,” kung saan tatalakayin ang kanyang pamana ng pagbabago at pagmamahal—ang pagmamahal sa mga kababayan, sa kalikasan, at sa buong sangkatauhan.

Nagtutuloy-tuloy rin ang online tributes gamit ang #RememberingGina hashtag, na may mga excerpt mula sa kanyang I Am Gina Lopez at mula sa mga mata ng mga taong nabago ang buhay dahil sa kanya.

Sinimulan ni Gina ang mga programa ng ABS-CBN Foundation, kung saan ipinakilala ang Bantay Bata 163 at Bantay Kalikasan, na may kinalaman sa pangangalaga sa mga bata at kabataan at sa kalikasan. Ang ibang mga programa ng Foundation, kasama na paunang tulong sa mga nasasalanta, edukasyon ang pagpapalakas ng mga komunidad ay mula sa inspirasyon ng kanyang paninindigan at misyon.

Noong 2016, itinalaga siya bilang Secretary ng Department of Environment and Natural Resources. Habang siya ay nasa pwesto, naipasara niya ang mga mapanirang mining operations at napatigil ang open pit mining.

Ipinanganak si Gina noong Disyembre 27, 1953 at namatay dahil sa cancer noong Agosto 19, 2019. Isang espesyal na Misa para sa kanya ang mapapanood sa Kapamilya Daily Mass sa Agosto 19, 6 pm, na naka-live stream sa ABS-CBN Facebook page (facebook.com/ABSCBNnetwork), ABS-CBN Entertainment YouTube channel (youtube.com/ABSCBNEntertainment) at sa ABS-CBN Foundation official Facebook page (facebook.com/ABSCBNFoundationInc).

Isang tribute kay Gina ang ipalalabas bago ang Misa, sa ganap na 5:30 ng hapon sa kaparehong mga channel.

Para sa mga karagdagang impormasyon at updates, i-follow ang ABS-CBN Foundation sa Facebook (facebook.com/ABSCBNFoundationInc), o pumunta sa www.abs-cbnfoundation.com.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gerald Anderson, kinutuban na si JM de Guzman ang nagtangka sa kanyang buhay sa ‘Init Sa Magdamag’

‘FLEX,’ may handog na masaya at makulay na performances!