in

‘Catch Me Out Philippines,’ may bagong timeslot simula Sabado!

Tuluy-tuloy lang ang hulaan at hulihan sa paboritong weekend talent show na ‘Catch Me Out Philippines’ na mapapanood sa bago nitong timeslot at 8:30 PM simula ngayong Sabado, August 14.

Tiyak na bubuhos ang good vibes dahil makakasama ng host na si Jose Manalo at ng regular Celebrity Spotter na si Derrick Monasterio ang Guest Spotters na sina Aiai delas Alas at EA Guzman.

Kung palaban ang mga baguhan na may inihandang nakakamanghang performances, palaban din sa hulihan ang Celebrity Catchers na sina Ysabel Ortega, Thea Astley, Jamir Zabarte, Miggy Tolentino, at Jeniffer Maravilla.

‘Wag nang magpahuli sa amazing performances at makihula na rin kung sino ang amateur sa Catch Me Out Philippines, Sabado, 8:30PM, sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Record-breaking na MYX Awards 2021, ipapalabas sa MYX Channel ngayong Sabado

KathNiel isang dekada nang nagpapakilig, ‘She’s Dating The Gangster’ gagawing libre ng Star Cinema sa YouTube