in

‘He’s Into Her’ finale concert, docu, at kumpletong episodes libre sa iWantTFC

Extended ang kilig at doble-doble ang saya para sa fans ng hit series na “He’s Into Her” dahil mapapanood na ngayon nang libre ang “He’s Into Her: The Journey” at ang “The Benison Ball” sa iWantTFC.

Balik-balikan ang nakaka-in love at exciting na pagtatanghal ng cast sa pangunguna ni Belle Mariano at Donny Pangilinan sa “The Benison Ball,” ang espesyal na finale concert ng serye, at alamin kung bakit ito ang tinaguriang pinakamatagumpay na concert na idinaos sa KTX.PH.

Mapapanood din sa “Benison Ball” ang iba’t ibang performances nina Kaori Oinuma, Rhys Miguel, Criza Taa, Joao Constancia, Jeremiah Lisbo, Vivoree Esclito, Criza Taa, Limer Veloso, pati na ng special guests na sina Jayda Avanzado, SAB, JC Alcantara, Gigi de Lana, at BGYO.

Sa “He’s Into Her: The Journey” naman, ibinahagi ng cast members at production team kung paano nabuo at ginawa ang serye sa loob ng dalawang taon, mula sa mga pinagdaanan nito ngayong pandemya hanggang sa never-before-seen footage, audition videos, at iba pang mga nakakatantig na kwento mula mismo sa mga bida.

Bukod sa mga ito, libre at ekslusibo ring napapanood sa iWantTFC ang sampung episodes ng “He’s Into Her” para pwedeng ulit-ulitin ng fans ang love story nina Max (Belle) at Deib (Donny).

Mula nang ipalabas ang “He’s Into Her” noong Mayo, itinuring na itong phenomenal hit dahil ginawa nitong top free entertainment app sa Pilipinas ang iWantTFC, kung saan linggo-linggo itong naging numero unong most watched series.

Panoorin nang libre ang “The Benison Ball at “He’s Into Her: The Journey” at balik-balikan ang kilig ng TagSen sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa [email protected].

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

31 ahensiya at LGU, tatanggap ng parangal mula sa KWF para sa kanilang mahusay na paggamit ng Filipino sa ngayong pandemya

Iza Calzado, lilipad din bilang ‘Darna’