in

Maymay Entrata at Robi Domingo, magsasama sa bagong FYE show na ‘Call Me MayBi’

Kwela ang bagong MayBi tandem na dapat abangan sa kumu na kinabibilangan nina Maymay Entrata at Robi Domingo. Mapapanood na sa FYE Channel simula Biyernes (Agosto 13) ang kanilang talk show na “Call Me MayBi.”

Handa na ang dalawang Kapamilya artists na ilahad ang kanilang opinyon tungkol sa buhay, pag-ibig, at iba-ibang isyu at para mapalawak ang usapan ay pwede ring umakyat ang mga kumunizens para magbahagi ng kanilang sariling kwento at karanasan nang live.

Hango sa pangalan nina Maymay at Robi ang titulo ng programa na kanilang inanunsyo sa kumu livestream ni Robi noong Linggo (August 8) kasama ang co-producer na si Maiqui Pineda.

Sinimulan ng real-life couple na sina Robi at Maiqui ang ideya tungkol sa show noong nakaraang taon at naisip nilang si Maymay ang nababagay na maging co-host ni Robi.

“Last year we were just thinking kasi namiss ko ang MYX nang lubusan. Gusto ko lang pag-usapan lahat ng mga pwedeng pag-usapan,” kwento ni Robi. “Tanong ni Maiqui, ‘sino bang gusto mong kasama sa mga talakayan?’ Gusto ko ng kwela at matalino, that’s why we asked Maymay to co-produce this program.”

Samantala, agad namang tinanggap ni Maymay ang programa at sinabing excited siyang makasama ang isa sa mga naging mentor niya sa showbiz.

“Mas prefer ko po talaga na may kasama ako sa hosting at sobrang saya ko na makakasaya ko si Kuya Robi,” aniya. “Nung pinitch sa akin ang project na ito, talagang wala akong pagdadalawang isip, syempre si kuya Robi ang una agad nag-guide sa akin sa showbiz, lalo na sa hosting.”

Pag-uusapan ng dalawa ang topic na ‘Lockdown Landi: Pwede bang magkaroon ng true love sa quarantine?’ sa unang episode ng “Call Me MayBi” ngayong Biyernes (August 13).

Abangan din ang magiging usapan nila tungkol sa kanilang PBB experience sa loob ng Bahay ni Kuya pati na rin ang kanilang pagkahilig sa panonood ng teleserye at K-drama.

Samahan sina Maymay at Robi sa kanilang masayang talakayan sa “Call Me MayBi” tuwing Biyernes, 8pm simula August 13. Mag-download na ng kumu app at sundan ang @fyechannel. Para sa iba pang detalye, sundan ang @fyechannel sa Instagram.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘He’s into Her’ may season 2, record-breaking sa ticket sales sa KTX.PH

Janine Berdin, may kanta para sa mga feeling itsapwera