in

Ai Ai delas Alas, mas bet maging panadera kaysa artista?

Bunsod ng ipinatupad na enhanced community quarantine, maraming mga luma at bagong hobbies ngayon ang pinagkakaabalahan ng mga artista sa kani-kanilang bahay.

Para kay Comedy Queen Ai Ai delas Alas, pagiging panadera ang kanyang bagong career habang naka-quarantine. Hindi lang hobby para sa Kapuso comedienne ang pagbe-bake dahil sa pagbuhay niya sa kanyang natatagong culinary skills ay binuksan din nito ang kanyang pastry business na Martina’s Bread and Pastries.

Sa kanyang Instagram post, binahagi ni Ai Ai na magkaiba ang fulfilment na nakukuha nito sa pag-aartista at sa pagbe-bake.

“Parehong masaya, iba ang fulfillment pag nakikita mo ang bread mo na maganda, pag artista iba rin ang fullfillment pag maganda ang performance mo or pinapalakpakan ka ng tao at natutuwa sila sayo. Yung earnings malayo nga lang hehe. Pero ang mahalaga parehong masaya,” ani ni Ai Ai.

Nitong Sabado (May 2) naman ay muling nakasama at nakipagkulitan si Ai Ai sa kanyang kapwa The Clash judges na sina Lani Misalucha at Christian Bautista, Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, at Clashmates na sina Ken Chan at Rita Daniela sa pamamagitan ng isang video conference.

Naghatid sila ng iba’t ibang performance, nagkuwentuhan, at nag-anunsyo rin tungkol sa ginagawang online auditions para sa season 3 ng original musical competition ng Kapuso network na The Clash.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Harutan ng ‘Bubble Gang’ stars sa live chat ng YouLOL, patok sa netizens

Kris Bernal, may special wish sa kanyang nalalapit na birthday