in

Rita Avila, napagkamalang manananggal sa ‘Dear Uge?’

Ngayong Linggo, August 8, abangan ang nakakaaliw na kuwento na magtuturo sa importansya ng fact-checking sa horror-comedy episode ng Dear Uge na pinamagatang ‘Manananggal.’

Gagampanan ni Rita Avila ang karakter ni Luciana, isang barangay chairwoman na matsi-tsismis sa kanilang barangay na isang manananggal.

Bilang kapitana, top priority ni Luciana na mabawasan ang krimen sa kanilang barangay na matagal nang kuta ng mga magnanakaw at iba pang kriminal.

Ipagkakalat ng barangay tanod na si Tomas (Divine Tetay) sa kanilang komunidad na isang friendly manananggal si Luciana na pinoproteksyunan ang kanilang barangay mula sa mga masasamang loob.

Ipagpatuloy kaya ni Luciana ang pagpapanggap bilang manananggal kung nakabubuti ito sa kanyang komunidad? O magiging dahilan ba ito nang kanyang pagkatanggal sa pwesto dahil hindi lahat ay convinced sa kanilang gimmick tulad ng barangay councilor na si Teresing (Mosang)?

Paniguradong bubuhos na naman ang katatawanan kasama si Eugene Domingo bilang Apang Haphap Inawi sa fresh episode ng Dear Uge ngayong Linggo, 3:35PM, pagkatapos ng GMA Blockbusters.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘ASAP Natin ‘To,’ bibigyang-pugay ang mga atletang Pinoy ngayong Linggo

Mga babaeng atleta ng bansa, bibigyang pugay ng ‘MMK’