in

Jak Roberto, matitindi ang mga eksena sa ‘Stories From The Heart: Never Say Goodbye’

Punung-puno raw ng emosyon ang mga eksena ni Kapuso actor Jak Roberto para sa upcoming GMA series na ‘Stories From The Heart: Never Say Goodbye.’

Sa sobrang intense nga raw ng isa sa mga eksena kasama ang co-star na si Klea Pineda ay napalakas ang suntok ni Jak at nagkasugat ang kanyang kamao, “Kailangan magalit ako sa character ni Klea, kay Joyce. So halo-halong galit, frustration, betrayal. Ganun ‘yung nangyari kaya kailangan kong ilabas ang lahat.”

Bukod kina Jak at Klea, bibida rin sa serye ang nagbabalik-telebisyon na si Lauren Young at beteranang aktres na si Ms. Snooky Serna.

May napansin naman si Snooky sa kanyang co-stars, “Iba talaga ang vibe ng mga kabataaan ngayon pero ‘yung professionalism, nandoon. And ‘yung joy for taping, nandoon.”

Abangan ang ‘Stories From The Heart: Never Say Goodbye’ soon sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Eula Valdez, ipapaligpit na si Sylvia Sanchez sa ‘Huwag Kang Mangamba’

‘Hoy, Love You’ nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo, may season 2