in

Eula Valdez, ipapaligpit na si Sylvia Sanchez sa ‘Huwag Kang Mangamba’

Katapusan na ba ni Barang (Sylvia Sanchez) sa “Huwag Kang Mangamba”?

Mag-aagaw-buhay nang wala sa oras si Barang dahil sa malupit na plano ni Deborah (Eula Valdes) ngayong linggo sa Kapamilya teleserye, na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Sa tulong ng alalay ni Deborah, ihahanda na ang magiging lugar ng kamatayan ni Barang sa mismong construction site ng pinapatayong simbahan sa bayan ng Hermoso. Palalabasin nina Deborah na isa itong aksidente kaya hindi mauugnay sa kanila ang nangyari.

Sunod-sunod nga ang pinagdadaanang kalbaryo ng mga kaibigan nina Mira at Joy (Andrea Brillantes at Francine Diaz), dahil bukod kay Barang, masalimuot din ang kalagayan ngayon ni Father Seb (Enchong Dee) at ng pamilya nito.

Malagpasan kaya ni Barang ang kamatayan?

Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Huwag Kang Mangamba.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘The Boy Foretold by the Stars’ at ‘Love Beneath the Stars’ libre sa iWantTFC ngayong Agosto

Jak Roberto, matitindi ang mga eksena sa ‘Stories From The Heart: Never Say Goodbye’