in

Ruru Madrid, nag-‘Lolong’ diet?

Marami ang nagulat nang bigla na lang nawala ang laman ng Instagram account ng Kapuso actor na si Ruru Madrid. Ayun naman pala, magkakaroon ito ng isang transformation.

At dito rin pinakita ni Ruru ang kanyang leaner physique.

Ang transformation ni Ruru ay kasama sa paghahanda niya sa upcoming Kapuso primetime series na ngayon ay ongoing ang lock-in taping.

“Si Lolong, nagtatrabaho siya sa bukuhan. Nagtatrabaho siya sa niyugan, umaakyat siya lagi sa puno, nangingisda siya. Doon sa lugar nila, hindi naman siya nagdyi-gym. That’s why I changed my diet din dito sa ‘Lolong.’ Binago ko rin ‘yung pagwo-workout ko,” ani Ruru.

Makakasama rin niya sa GMA Public Affairs series sina Shaira Diaz, Arra San Agustin, Christopher de Leon, at Jean Garcia. Kaabang-abang din ang roles nina Bembol Roco, Malou de Guzman, Rochelle Pangilinan, at Ian de Leon. Kasali rin sa cast sina Mikoy Morales, Paul Salas, DJ Durano, Marco Alcaraz, Maui Taylor, Priscilla Almeda, at Leandro Baldemor.

Abangan sila sa dambuhalang action-adventure series ng taon, ang Lolong. Soon on GMA!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

KZ Tandingan at TJ Monterde, inalay ang ‘Dodong’ at ‘Inday’ sa isa’t isa

‘On the Wings of Love’ ng JaDine, naka-English dubbing na sa YouTube