in

Ashley Ortega, kinaiinisan ng viewers; Death scene ni Alfred Vargas, iniyakan!

Kabi-kabila ngayon ang natatanggap na papuri ng hit family drama series ng GMA-7 na ‘Legal Wives’ mula sa viewers at netizens.

Maliban sa natatanging kuwento ng serye na tumatalakay sa kultura at buhay ng mga Mranaw, maraming manonood din ang humanga sa nakakadala at mahusay na pagganap ng cast sa kani-kanilang mga karakter.

Isa na riyan ang Kapuso actress na si Ashley Ortega na gumaganap bilang si Marriam, ang anak ni Mayor Usman (Mon Confiado) na magiging dahilan ng rido o ‘clan war’ sa pagitan ng kanilang pamilya at ng pamilya ni Ismael (Dennis Trillo).

Kahit na kinaiinisan ng viewers ang karakter, marami ang humanga kay Ashley sa kanyang epektibong pagganap bilang kontrabida, “Ang galing-galing ni Ashley Ortega. Kuhang kuha niya ang pagiging duplicitous at scheming ng character ni Marriam!”

Samantala, tuluyan na ring nagpaalam ang karakter ni Alfred Vargas sa serye na si Nasser – ang nakatatandang kapatid ni Ismael at asawa ni Amirah (Alice Dixson).

Maraming viewers naman ang naantig sa emosyunal na death scene ni Nasser na nabaril sa gitna ng rido, “Lakas ng ulan, sumabay sa pag-iyak ng kalangitan nang nawala si Nasser.”

Sa isang panayam, inamin ni Alfred na may iba pa siyang prayoridad kung kaya’t hindi siya pwede magtagal sa lock-in taping ng Legal Wives.

Sa kabila ng maiksi niyang partisipasyon sa serye, proud si Alfred na naging bahagi siya ng serye, “I’m happy naman kasi maganda yung Legal Wives. Nakita ko ‘yung video, cinematic talaga, parang epic nga. So, I’m really proud to be part of that project.”

Tutok na sa Legal Wives pagkatapos ng The World Between Us gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Erich Gonzales, nagparetoke, reresbak na sa mga kalaban sa ‘La Vida Lena’

Mga programang pang-school at home ng Knowledge Channel, mapapanuod na sa Kumu at Facebook Live