Kahit higit isang buwan pa lang sa ere, marami nang nabigyan ng saya at tulong ang “Everybody, Sing!” at ang host nitong si Vice Ganda.
Nangunguna na diyan ang mga songbayanan na community pantry volunteers, massage therapists, at teachers na nanalo ng jackpot prize na P500,000 sa community singing game show ng ABS-CBN.
Isa sa mga pinalad ang gurong si Rex Dayao mula sa Malolos, Bulacan, na isang solid Kapamilya. Kwento ni Rex, ginamit niya ang cash prize para ipambayad sa kanyang bahay.
“Nais kong manatili sa aking alaala ang pagsali sa ‘Everybody, Sing!,’ kung kaya ipinambayad ko sa bahay ang lahat ng aking napanalunan. Sa gayon, bawat pagkakataon ay maaalala ko na bahagi na ng aking bahay at buhay ang ‘Everybody, Sing.’”
Lubos din ang paghanga ni Rex sa host na si Vice Ganda. Aniya, “Nasaksihan namin na tunay yang kaniyang ngiti habang kami ay nagtatagumpay. May interes ang bawat tanong, may dunong ang bawat pakikipagtalastasan. Walang sandal na hindi kami tumawa at humikbi dahil ramdam ng aming puso ang tunay na malasakit ni Vice sa aming mga guro.”
Pagbabahagi ni Rex, hindi nila pinapalampas na mapanood ang game show ni Vice Ganda, na napapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, at TFC. Ito raw ang nagsisilbing weekend bonding nilang mag-asawa dahil sa nakakaaliw na format at garantiya na walang uuwing luhaan.
Samantala noong nagdaang weekend (Hulyo 24 at 25), hindi man nakuha ang jackpot prize ng songbayanan ng street food vendors at extras at talents, naging masaya pa rin ang kanilang karanasan sa game show, kung saan nag-uwi sila ng P35,000 at P30,000 sa jackpot round bukod sa mga nakuhang premyo sa naunang rounds.
Kaabang-abang naman ang bagong game category sa “Everybody, Sing” na “lipsing,” na papahulaan ang lyrics ng kanta sa pamamagitan ng pag lip-read ng songbayanan sa ipapakitang video ng labi.
Papalarin kaya ang songbayanan na mountaineers (Bourne to Hike) at drivers? Abangan ang “Everybody, Sing!” kasama si Vice Ganda at ang resident band na Six Part Invention tuwing 7 pm ng Sabado at Linggo sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa A2Z ang mga bagong episode ng “Everybody, Sing!.” Para sa latest tungkol sa “Everybody, Sing!” i-follow ang @EVERYBODYSINGPH sa Facebook, Twitter, at Instagram.
Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.