in

Rayver Cruz, tampok sa Kapuso Fans Day on TV ng GMA RTV

Ang Kapuso actor at ‘Nagbabagang Luha’ star na si Rayver Cruz ang makakasama ng mga Kapuso sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ngayong Biyernes (July 30), 8 a.m., sa “Kapuso Fans Day on TV” hatid ng GMA Regional TV.

Ang “Kapuso Fans Day on TV” ay napapanood sa morning shows na umeere sa local channels ng GMA Regional TV — ang “Mornings with GMA Regional TV” sa North Central Luzon, “GMA Regional TV Live!” sa Central and Eastern Visayas, “GMA Regional TV Early Edition” sa Western Visayas, at “At Home with GMA Regional TV” sa Mindanao.

Mss na ni Rayver ang makasama ang kanyang mga tagahanga. “Hayaan n’yo, soon makakapunta na ulit kami kung nasaan kayo. Sana ‘wag kayong magsawang sumuporta sa mga Kapuso shows,” mensahe ni Rayver sa kanyang fans.

Hindi naman dapat malungkot nang husto ang fans ni Rayver dahil bukod sa All-Out Sundays tuwing Linggo, mapapanood na rin siya tuwing hapon dahil ngayong Lunes (August 2) na ang pilot airing ng “Nagbabagang Luha” sa GMA Afternoon Prime kung saan makakasama ni Rayver sina Glaiza de Castro at Claire Castro. Malapit na ring magbalik ang The Clash Season 4 kung saan isa si Rayver sa kasama ni Julie Anne San Jose bilang Clash Masters.

Last Friday, ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang nagpasaya ng kanyang fans sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Debut mini-album ni SAB na ‘Sunsets and Heaven,’ mapapakinggan na

Ian Veneracion pasok na sa ‘Huwag Kang Mangamba,’ nananatiling Kapamilya