in

Rhian Ramos at Pancho Magno, bibida ngayong Sabado sa ‘#MPK’

Abangan ang Kapuso stars na sina Rhian Ramos at Pancho Magno sa fresh episode ng award-winning drama anthology na Magpakailanman ngayong Sabado, July 31 — ang ‘Biktima ng Gayuma’ .

Malapit sa isa’t isa ang magkapatid na sina Ella (Rhian) at German (Pancho). Masusubok ang kanilang relasyon nang makilala ni German ang textmate niyang si Jenny (Muriel Lomadilla) at ‘di kalaunan ay pakakasalan niya ito.

Hindi naman maintindihan ni Ella kung bakit mabilis na nahumaling ang kaniyang kapatid kay Jenny pati na rin ang pagbabago ng kanyang ugali. Malalaman ni Ella na nagayuma pala ni Jenny si German.

Maibabalik pa kaya ni Ella sa katinuan ang kapatid niyang si German?

Tunghayan ang natatanging pagganap nina Rhian at Pancho sa #MPK: Biktima ng Gayuma – sa direksyon ni Don Michael Perez – ngayong Sabado, 8PM, pagkatapos ng Catch Me Out Philippines sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

MOR Entertainment at MYX Radio, nasa ABS-CBN Radio Service App Na

Jane de Leon maghahanda na para sa ‘Darna,’ magpapaalam sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’