in

‘Agimat ng Agila,’ maaksyon ang pagtatapos!

Ngayong Sabado (July 24) ay matutunghayan ang pinakahihintay na tunggalian sa pagitan ng mga tagapagmana ng kapangyarihan ng Agila at Bakunawa sa finale ng top-rating fantasy drama series na ‘Agimat ng Agila.’

 Noong nakaraang linggo ay nakatanggap ng makamandag na halik si Gabriel (Ramon “Bong” Revilla, Jr.) mula kay Serpenta (Michelle Dee) matapos niyang makipaglaban kay Maya (Sanya Lopez) na bihag naman ng kapangyarihan ng bertud ng Bakunawa.  

Sa pagtatapos ng serye ay susubukang iligtas ni Gabriel si Maya mula sa kaniyang ama na si Alejandro (Roi Vinzon) na siya na ngayong may hawak sa bertud ng Bakunawa at sa mga mapanira nitong plano. 

Samantala, isa raw ang kanyang matitinding action scenes sa mga ipinagmamalaki ni Bong sa Agimat ng Agila, “Pinaka-proud ako sa action scenes dito na binusisi talaga at pinagpaguran. Wala akong double dito. Ako mismo ang nag-aral ng mga fight scenes at gumawa ng mga galaw habang take. Dahil galing sa puso, mas bumagay ang mga action sequences sa ganda ng mga special effects at ng kwento.” 

Huwag palagpasin ang action-packed finale ng ‘Agimat ng Agila,’ ngayong Sabado na, 7:15PM, sa GMA-7. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Julie Anne San Jose, spotted sa billboard sa Times Square, New York!

Alden Richards, may bonding sa fans sa regions ngayong Biyernes