in

‘FLEX,’ may bagong timeslot!

Mapapanood na tuwing Sabado ng gabi sa GTV ang comedy-variety show na FLEX na pinagbibidahan ng Kapuso teen stars na sina Mavy Legaspi, Lexi Gonzales, Joaquin Domagoso, at Althea Ablan.’

Isa na namang fun-filled night ang dapat abangan ng Gen Z at young-at-heart viewers ngayong Sabado (July 17) dahil may exciting games at performances na inihanda ang FLEX Squad.

Makikisaya sa segment na ‘Yes Mali,’ kung saan maling sagot lang ang tama, sina Elijah Alejo, Dave Duque, Jamir Zabarte, Will Ashley, at Kim de Leon.

Tiyak na makaka-relate naman ang Gen Z viewers sa first-of-its-kind on TV na segment na pinamagatang ‘New Normal Academy’ kung saan parang nasa isang online class ang FLEX squad.

May inihanda ring acoustic version ng Dynamite sina Will, Kim, Jamir, at Allen Ansay.

Isang intense dance battle naman ang magaganap sa pagitan nina Kim at Angel Anadia laban kina Ysabel Ortega at Argie Roquero.

‘Wag nang magpahuli sa pinakabagong Saturday night habit na ‘FLEX,’ sa bago nitong time slot, 6:15pm, sa GTV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA News YouTube channel, hitik sa exclusive videos!

Bianca Umali, palaban sa ‘Legal Wives!’