in

Kapuso singers, nag-donate sa GMA Kapuso Foundation

Tuluy-tuloy ang paghahatid ng tulong ng ilang Kapuso stars sa mga kababayan nating nangangailangan sa pamamagitan ng kanilang donation sa GMA Kapuso Foundation.

Naghandog ng P50,000 each ang Kapuso singers na sina Julie Anne San Jose, Anthony Rosaldo, at Maricris Garcia mula sa nakuha nilang talent fee sa sinalihang online mini concert.

“Gusto ko din pong gamitin ‘yung voice ko to inspire other people to be positive and to push each other forward and help each other,” pahayag ng Asia’s Pop Diva.

Dagdag naman ni Maricris, “Lagi ko kasing pinagdadasal kay Lord na gawin niya kong instrument sa kahit na anong paraan para makatulong at makapag share ng blessing na ibinigay sa akin.”

Pahayag naman ni Anthony, “Ngayon na kaya ko namang tumulong na rin, hindi ko ipagkakait ‘yung help kahit gaano katiting, na ibigay sa mga kababayan natin.” 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jean Garcia, happy at proud sa bagong single ni Betong Sumaya

Alden Richards, nagbigay ng tips upang maprotektahan ang sarili laban sa banta ng COVID-19