in

Christopher de Leon, first time gagampanan ang karakter sa ‘Wish Ko Lang!’

Patuloy ang bonggang line-up ng episodes ng Wish Ko Lang! para sa 19th anniversary celebration nito. This Saturday (July 10), ang award-winning actor na si Christopher de Leon naman ang bibida sa episode ng nasabing GMA Public Affairs show hosted by Vicky Morales. First time rin na gagampanan ni Boyet ang role niya sa kuwentong may title na “Mr. Right” dahil isang gay ang karakter niya rito.

Isang talented na gown designer si Jake (Christopher). Kasama niyang namumuhay nang simple ang kaibigang si Georgie (Thou Reyes). Makikilala ni Jake sa isang pageant si Romeo (Shido Roxas), isang poging kontesero na bibihisan niya. Mai-inlove si Jake kay Romeo subalit after a few years ng kanilang relationship, magde-decide si Romeo na hiwalayan si Jake dahil gusto nito ng sariling pamilya. Magkaka-anak si Romeo sa kanyang asawa pero kalaunan ay mamamatay ito habang ang misis na si Sarah (Patricia Tumulak), hahanap ng ibang lalaki. Kaya naman ang anak ni Romeo na si Kristof (Vince Crisostomo), makakahanap ng father figure kay Jake. Pero sa pagbabalik ni Sarah sa buhay ni Kristof, sino nga ba ang pipiliin niya–si Jake ba o si Sara?

Ang young Kapuso star na si Vince, aminadong kinabahan nang malaman kung sino ang makakasama niya sa anniversary episode na ito ng Wish Ko Lang. “S’yempre considering na makakatrabaho ko si Mr. Christopher De Leon, who is a highly respected actor. Naging excited din ako para sa role ko dahil first time ko gagawa ng drama. Together with Mr. Christopher De Leon sobrang laking honor and opportunity para sakin and sobrang nakaka excite din,” say pa nito.

Si Shido naman, ibinahagi ang isang scene na talagang tumatak sa kanya: “Yung eksena sa ilalim ng ulan,” na ayon sa kanya ay talagang mararamdaman ng viewers ang emosyon kaya dapat itong abangan. Kung tatanungin din ang aktor kung naging madali na ba sa kanya ang role niya as Romeo dahil na rin sa mga nauna na niyang proyekto sa pelikula at telebisyon, lahat naman daw ay challenging. “Kahit anong role po, I try to give it justice by internalizing on the character. Lahat po ng mga naging roles may particular challenge po talaga.”

From President Glenn’s Chief of Staff Yessey Reyes, mapapanood naman sa Wish si Thou Reyes bilang si Georgie–ang BFF ng karakter ni Boyet. Laking pasalamat ng aktor na mapabilang sa nasabing special episode. “I’m always grateful and happy to give life to my character, and working with the one and only Christopher De Leon is a sure check on my bucket list. Direk Rommel (Penesa) gave enough notes for me to characterize my role. I hope I have justice to it.”

Huwag palampasin ang special episode ng month-long anniversary series ng Wish Ko Lang! ngayong Sabado na 4 pm sa GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Andrea Brillantes at Francine Diaz, magkapatid sa ‘Huwag Kang Mangamba’

Trending costumes ni Vice Ganda sa ‘Everybody, Sing!,’ pinag-isipan nang husto