in

Gladys Reyes at Pokwang, ibinida ang kanilang ‘80s look sa ‘Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento”

Siguradong bubuhos ng good vibes ngayong Hulyo sa highly-anticipated prequel ng award-winning sitcom na ‘Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.’

Nauna nang inanunsyo ang star-studded cast ng prequel na pinangungunahan nina Sef Cadayona at Mikee Quintos na gaganap bilang mga batang Pepito at Elsa, kasama rin sina Kokoy de Santos, Archie Alemania, Denise Barbacena, at Kristoffer Martin.

Dahil set noong dekada ’80 ang prequel kung saan mapapanood ang makulay na kabataan ng mga bida, excited na rin ang viewers na sariwain ang mga nausong bagay noong ‘80s.

Mas na-excite pa ang fans ng show sa pasilip ng cast members na sina Gladys Reyes at Pokwang ng kanilang ‘80s look.

Komento ng isang netizen sa Instagram post ni Gladys, “Two best actresses in the industry drama or comedy man yan…”

Espesyal din para kay Gladys na mapabilang sa prequel dahil ito raw ang unang pagkakataon na sumabak uli siya sa trabaho matapos magka-pandemic, “Finally, it’s here, my answered prayer, my birthday gift! Grateful to be part of this family-oriented sitcom, that my kids can watch.”

Panoorin kung paano nga ba nagsimula ang love story nina Pepito at Elsa sa ‘Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento’ ngayong Hulyo na sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘The World Between Us,’ usap-usapan ang pilot episode!

Chef Jose Sarasola, aalamin ang kakaibang paandar ng mga ‘lechoneros’ sa ‘Stories of Hope’