in

Brent Valdez, nakapagsimula ng milk tea business ngayong quarantine

Bukod sa paghahatid ng donasyon sa mga frontliner at mga kababayan nating nangangailangan, nakapagsimula rin ng milk tea business ang Kapuso heartthrob na si Brent Valdez sa gitna ng enhanced community quarantine. 

Kuwento ni Brent, “Nabuo siya during quarantine dahil maraming nagke-crave and actually, matagal na yung idea na ‘yun sa isip ko ngayon ko lang siya naisip na ipush through.”

Ibinahagi niya rin na tradisyon talaga ng kanyang pamilya at magkakaibigan ang mamigay ng food packs sa mga taong nangangailangan tuwing Pasko kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na maghatid ng relief goods sa mga street dweller at homeless ngayong ECQ. 

Aniya, “Kasi, when the ECQ started, walang naging handa except doon sa mga nakaipon and may enough funds para makapag-imbak ng pagkain. Ang unang pumasok sa isip ko, paano na lang yung mga walang-wala. Kung hindi tayo handa, paano pa sila? Eh karamihan sa kanila, pagkain lang sa buong araw ang kaya nilang i-provide sa family dahil sa hirap ng buhay. Doon namin naisip na sa kanila dapat mapunta yung tulong na malilikom namin.” 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Wowowin,’ hindi mag-aatubiling magsampa ng kaso laban sa scammers

Boyfriend ni Lovi Poe, sino ang pinagseselosang aktor?