in

Sanya Lopez, nasungkit ang Top Celebrity Award mula sa TikTok!

Muling pinahanga ng Kapuso actress na si Sanya Lopez ang kaniyang fans sa pinakabago nitong achievement sa kauna-unahang TikTok PH Awards na ginanap kagabi, July 4.

Isa ang ‘First Yaya’ lead star sa mga nag-uwi ng Top Celebrity Award. Sey niya sa acceptance speech, hindi niya inaasahan ang naging suporta ng mga fans sa kaniyang pagti-TikTok, “Thank you! Maraming, maraming salamat po sa award na ito. Akalain n’yo ‘yon umpisa pa lang, for entertainment, for fun lang naman ‘yong ginagawa natin. Pero hindi ko po inakala na makaka-receive ako ng award from TikTok. Maraming, maraming salamat po. I’m very happy and surprised. Di ko akalain na aabot din ako ng 10 million. It started lang talaga na ine-enjoy ko lang yung paggawa ng TikTok. And I didn’t expect na aabot ng ganito.”

Sa kasalukuyan, mayroong higit 10 million followers si Sanya sa nasabing social media platform.

Parte rin ng mga ipinagpapasalamat ng aktres ang naging matagumpay na finale episode ng pinagbidahang primetime series na ‘First Yaya’ kung saan minahal siya ng Kapuso viewers bilang si Yaya Melody.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Yam Concepcion, naiipit sa pagmamahal sa asawa at sa tungkulin sa kanyang bayan

Abangan ang lalong pag-kinang ng mga World Class Performers at hosts sa bakuran ng Star Magic