in

Segments ng ‘Unang Hirit,’ benta sa viewers!

Isa ang guessing game ng Unang Hirit na “Hula-Hula Who” sa mga inaabangang segment sa longest-running morning TV show ng bansa. Paano kasi, hindi lang mae-exercise ang utak mo sa pag-iisip kung sino sa mga UH host ang pinahuhulaan, maaari ka pang manalo ng iba’t ibang premyo. Sa sobrang benta nga nito sa viewers ay na-extend ito hanggang July 2 na dapat ay magra-run lang hanggang katapusan ng Mayo. 

Hindi naman dapat malungkot ang viewers dahil simula Lunes (July 5), may bagong dapat abangan mula sa UH. Ano kaya ito? Tiyak na mas bongga pa ito, knowing UH na laging inuuna ang viewers. 

Talaga namang mas gugustuhin mong bumangon nang maaga araw-araw kapag kasama mo ang UH barkada dahil bukod sa balita ay siksik din sa mga entertaining segment ang morning show. Kaya naman hindi nakapagtataka na higit sa dalawang dekada nito sa ere ay patuloy pa rin itong namamayagpag sa puso ng viewers. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pepito Manalato: Ang Unang Kuwento, star-studded ang cast!

‘FPJ’s Ang Probinsyano’ at ‘Sandugo’ arangkada sa Africa